|
Post by sofiajade on Jun 23, 2010 16:25:46 GMT 8
Para hindi tangayin si Love ng sindikatong pinagkakautangan ng tatay niya ay kinailangan niyang magpanggap na bulag at mamuhay na isang bulag. Wala siyang oras sa pag-ibig. Malas kasi siya pagdating sa lalaki. Hindi na siya binalikan ng kasintahan niyang si Mitos na nag-abroad. Pero sa pagpapanggap niya ay isang lalaki ang laging nakakaagaw ng atensiyon niya. Binubuhay nito ang nahihimbing na puso niya. Isang misteryo para sa kanya ang pagpapanggap nito bilang Mitos kahit batid niyang “Cameron” ang tunay na pangalan nito. Ito ang sumagip at nag-alaga sa kanya mula sa mga sindikatong dahilan kung bakit muntik nang mapariwara ang buhay niya. Pinangatawanan nito ang pagpapanggap bilang Mitos at hinayaan niya ito. Hanggang sabihin nitong mahal siya nito kahit ang buong akala nito ay bulag siya. Mahal din niya ito kaya gusto niyang hilingin na ipakilala nito ang tunay na pagkatao nito at mahalin siya nito hindi bilang si Mitos kundi bilang ang totoong ito. Mamahalin pa kaya siya nito kapag nalaman nitong nakakakita talaga siya?
|
|
issa
New Member
Posts: 3
|
Post by issa on Jun 26, 2010 18:33:48 GMT 8
YES.. bago!!
|
|
|
Post by mariel on Aug 30, 2010 3:10:48 GMT 8
..uhm Ate Sofia, para pong nakita ko na yung picture na iyan sa front page din po...hahahah
..baka namamalik-mata na lang ako..haiz nangangalawang na ata ang brain ko...LOLZ.. XD
|
|
|
Post by sofiajade on Feb 7, 2011 17:34:42 GMT 8
Nag-uulit naman ng cover ang PHR. wag po sanang hayaang maapektuhan ng nauulit na cover ang pananaw ninyo sa istorya. It is just a cover.
|
|