|
Post by sofiajade on Jun 2, 2010 11:23:41 GMT 8
Bumalik si Nicole sa Pilipinas para kunin ang mga naiwan niyang gamit sa mansiyon nila sa Tagaytay na niremata na ng bangko. Nagkrus doon ang mga landas nila ni Russell McClain, ang lalaking nakabili ng mansiyon. Unang kita pa lang niya rito ay naramdaman na niyang parang may galit ito sa kanya. Labis na ipinagtaka niya iyon dahil hindi naman niya kilala ito. Gayunman, hindi maitatago ang matinding atraksiyon nila sa isa’t isa. Sa maikling panahon ay umibig siya rito. At nang yayain siya nitong pakasal ay agad na pumayag siya. Pero napagtanto niyang marami pa siyang hindi alam tungkol sa lalaking mahal niya, kabilang na ang nakaraan nito. At sa mismong araw ng kasal nila niya nalaman na hindi pala tadhana ang may gawa kung bakit sila nito pinagtatagpo...
|
|
|
Post by mariel on Jun 10, 2010 3:55:34 GMT 8
arayt..mukhang maganda...haiz...kelan kaya ako mapapadpad sa bookstore???an dame ko pang di nabibili...
|
|
issa
New Member
Posts: 3
|
Post by issa on Jun 26, 2010 18:23:16 GMT 8
ganda ng story nito....promise!
|
|
|
Post by nikkinics on Nov 10, 2010 19:15:42 GMT 8
gusto kong mabasa ! ahahaha
|
|
|
Post by sofiajade on Feb 7, 2011 17:48:05 GMT 8
Ito rin favorite ko sa trilogy na original story.
|
|