|
Post by sofiajade on Mar 3, 2010 11:53:43 GMT 8
Stallion Island Series 8: Torque Lopez III Ikakasal na lang si Sissy sa guwapong boyfriend niyang si Leo nang makita uli nito ang dating nobyang may asawa at doon piniling sumama. Ngunit kung kailan handa na siyang mag-move on ay saka naman ito bumalik at nakikiusap na ituloy nila ang kasal. Nakaluhod pa itong nag-propose sa kanya sa harap ng maraming tao sa paborito nilang restaurant. Tinabig niya ang kamay nito na may hawak na engagement ring. “Bakit ako magtitiyaga sa iyo? I got news for you, Leo. Malapit na akong umalis papuntang Stallion Island. Sa dami ng guwapo, sikat, at mayayamang lalaki roon, baka nga hindi na kita maalala. Kaya huwag ka nang umasa sa akin.” “Excuse me,” bigla na lang sinabi sa kanya ng guwapo at matangkad na lalaki. He had dark, penetrating eyes that touched her soul. Nang mga oras na iyon, naglaho ang mundo at unang natunaw ang taksil na ex-boyfriend niyang si Leo. Nandito ba ito para sagipin siya mula sa kabiguan ng puso niya? Sa palagay niya ay kayang-kaya nitong tanggalin ang hinanakit sa puso niya. Subalit parang wala itong plano na sagipin siya mula kay Leo. Ni hindi nga ito ngumingiti. Saka lang niya napansin ang singsing na nasa ilalim ng kopita ng white wine nito. Mukhang doon tumalsik ang singsing mula sa kamay ng kanyang ex na tinabig niya kanina…
|
|
|
Post by alexithymia on Apr 10, 2010 13:49:59 GMT 8
Tawa. Basa ulit.. Tawa.. Tapos maya-maya, hindi na ko makatawa. Especially when I reached the part where Leo said, "Naisip ko ang sinabi ng kaibigan ko. Kahit sinong taong nasaktan, may karapatan na sumaya sa taong mas magmamahal at mas mag-aalaga sa kanila..You deserve to be happy with someone else. Hindi sa lalaking nanakit sa iyo." It's like a wake up call. Para dun sa mga taong niloko na ng minsan pero sige pa rin sa pagsabi ng okay lang at with open arms pa rin ang pagtanggap sa taong yun pabalik sa buhay nila. And I could only agree with those lines, Miss Sofia...for there was a point in my life when I said I wouldn't mind patching things up with someone if only he would realize he's wrong ditching me for another girl...na ako talaga ang gusto nyang makasama. After all, marami na din naman kami pinagsamahan. Pero eventually, nagbago na rin ang isip ko. And I want to believe Torque was right. Meron at merong darating na tao sa buhay mo na magmamahal at mag-aalis ng sakit na nararamdaman mo. Itatama nya ang lahat ng mali sa buhay mo. In my case, wala pa rin sya hanggang ngayon. But I'm willing to wait.
|
|
katrina
New Member
I LOVE STALLION BOYS!!!
Posts: 28
|
Post by katrina on Apr 12, 2010 19:32:49 GMT 8
Ahm ang masasabi ko lang naman sa ginawa ng girl sa story eh tama lang ang ginawa nya..Hindi sya nagpakatanga. Ganya dapat ang mga babae natututo sa mga nangyayari sa kanya. Hindi porque nag"sorry" ang isang lalaki eh dapat ok na lahat. Iyon ang isa sa ayaw ko eh. Iyong bang nagsabi lang ng sorry gusto na agad bati na kayo. para bang tingin nila kunting sabi lang ng sorry it's ok na agad. Hindi naman lahat nadadaan sa salitang sorry lang eh.. hays... Paano kung nag-"sorry" nga pero hindi naman bukal sa loob nya wala din useless..hays Attachments:
|
|
marialuz143
Junior Member
hello...sa lahat!!!!!!!zul-chan here!!!
Posts: 157
|
Post by marialuz143 on Oct 3, 2010 20:00:10 GMT 8
....una tumatawa...tapos kilig... pero in the end pina iyak nila ako... buti na lang di obvious sa ka roomate ko sa boarding house....^_^ ganda ng story...!!!
alexithymia at katrina.....agree ako sa into.......
|
|