|
Post by sofiajade on Dec 12, 2008 16:44:06 GMT 8
Gusto ko lang ipromote ang novel ko under Dreamweaver and Lilyrose Publication. Well, sana makakuha kayo ng copy. Paano Ba Magmahal Ng Iba? Tumanda na si Rikki pero napangal lang siya sa kahihintay sa pagdating ng lalaking magmamahal sa kanya. Hindi naman siya mapili sa lalaki. Hindi lang talaga siya makatagpo ng lalaki na magbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam sa una nilang pagkikita. Fireworks and all.
Sa lahat ng nakaka-date niya, bigo siyang matagpuan ang lalaking hinahanap niya. At sa bawat pagkakataon na iyon ay sumusulpot si Jerald, ang lalaking una niyang minahal pero wala namang ginawa kundi gawin siyang target ng pang-iinis nito at lagi na lang nitong isinasampal ang kapalpakan niya.
He was all wrong for her.
Pero bakit nang halikan siya nito ay nakaramdam siya ng tama?
Iyon ba ang fireworks na hinihintay niya o isa lamang itong malaking bomba na sasabog sa mukha niya sa oras na magkamali siyang mahalin ito muli?Sa ngayon, wala pa sila sa National. pero pwede ninyo siyang bilhin sa or message sa friendster ang account na ito: profiles.friendster.com/41716604Ayan sana makakuha kayo ng copy. Sana kung ipapaalam ninyo sa iba ang tungkol dito, sa pm na lang. Wag na ninyong ipost sa ibang forum. Tinutulungan ko lang friend kong agent. Salamt!!!
|
|