Post by jluvlenskie13 on Apr 4, 2009 21:25:15 GMT 8
STALLION SERIES
STALLION SERIES #3: GINO SANTAYANA
Gino Santayana was the type of guy who had an X mark on Miles. He was too handsome, too lovable, and any girl could easily fall for him. Pero ito rin ang lalaki na walang katiyakan kung mamahalin din siya. And she thought that the best decision she made was when she refused him.
She tried to escape from his memory. Nagtrabaho siya sa Rider's Verandah sa Stallion Riding Club para tuluyang iwasan ito. Pero mukhang hanggang doon ay hinahabol pa rin siya ng multo nito.
Could she escape from him again or she would just let him catch her heart?
STALLION SERIES #4: HIRO HINATA
Nang magtapon yata ang Diyos ng kamalasan sa mundo, nasalong lahat ni Jemaikha. Hindi niya nakuha ang sweldo niya, kinain ang ATM card niya, nadukutan siya ng pera at nakita niya ang first and only love niya na si Hiro habang mukhang binagyo ang pagka-ganda-gandang buhok niya. At ang masaklap, sinabi nito na may girlfriend na ito. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaitan siya ng tadhana ng karapatan na sumaya.
Hiro was the only man who could make her happy. But he was also the only man she couldn't have. Dahil kung mamahalin muli nila ang isa't isa, siya rin ang makakasira dito.
Pero kaya ba niyang layuan ang kaligayahan niya?
STALLION SERIES #7: YUE ANTHONY ZHENG
"Ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin. At ikaw
lang din ang hinayaan kong makaalam ng mga
weaknesses ko. You have the power to break my heart."
Quincy desperately wanted freedom from Yuan, her fiance who didn't even know who she really was and what she really wanted. Pero maganda ang reputasyon ni Yuan. He was one of the top ten young businessmen in the country. And a respected one, too. At walang babaeng naidikit sa pangalan nito. He seemed like the perfect man for her.
Kaya nagtrabaho siya sa Stallion Riding Club, ang secret hideaway ni Yuan. Gaya ng inaasahan niya, nasa lugar na iyon ang mga secreto nito na magagamit niya para makawala siya rito.
But she started to change her mind the moment he kissed her...
Kaya nagtrabaho siya sa Stallion Riding Club, ang secret hideaway ni Yuan. Gaya ng inaasahan niya, nasa lugar na iyon ang mga secreto nito na magagamit niya para makawala siya rito.
But she started to change her mind the moment he kissed her...
GABRYEL HONASAN
"Kahit naman saan tayo magpakasal o kahit ano pang klase ng asal, okay lang sa akin. All I want is to spend my whole life with you."
Reality was harsh for Sindy. Iniwan niya ang buhay-prinsesa upang tuparin ang pangarap niya: ang maging romance novel writer. Malayo iyon sa pangarap ng pamilya niya para sa kanya.
But when Gabryel Honasan, the man she refused to marry four years ago, stepped back into her life, her life went haywire.
At para makabawi sa lahat ng kamalasan niya, ini-offer nito ang magandang bahay nito sa Stallion Riding Club para doon muna siya mamalagi.
And she suddenly wished that Gabryel was a real Prince Charming.
Would a simple kiss make him realize she was the one for him? Or would everything pour down to the harsh reality that he was not the one for her?
STALLION SERIES BATCH 2
EMREI RAFIQ
"Hindi na ako takot na maranasan ang mga bagay na bago sa akin kahit posibleng mawala rin iyon. Hindi na ako takot magmahal kahit puwedeng masaktan ako at mawala ang taong mahal ko... dahil sa iyo."
"Ayoko ng dream date! Gusto ko ng pera!"
Parang bumagsak ang mundo ni Marist nang manalo siya ng grand dream date para sa raffle ng Stallion shampoo and conditioner. Kung pangarap ng ibang babae na makapasok sa Stallion Riding Club at maka-date ang kahit isa sa mga guwapong miyembro niyon, bangungot iyon para sa kanya.
Lalo na't ang ka-date niya ay ang guwapong si Emrei Rafiq.
Kahit anong pagtataray ang gawin niya, hindi tinatablan ito. Sa halip ay pinalalambot ng mga ngiti nito ang matigas na puso niya.
Handa na rin ba siyang pangarapin ito tulad ng iba?
ROMANOV CUERIDO
"I don't actually care if it's really destini that brought you o me. All I know is that I lov you."
Naniniwala si Illyze na ang tadhana niya ay sa Stallion Riding Club. And Romanov Cuerido was her destiny himself. But he was known as the "Dark Lord" of the riding club. Kahit sinong taga-riding club ay takot dito. And he was lonely. Mas gusto pa nitong mag-horseback riding mag-isa, kumaing mag-isa at manatili sa madilim na villa nito kaysa may makasama at maging kaibigan ito.
While she believed in destiny, he hated it. Destiny took everything away from him. Magagawa pa ba niya itong mapaniwala sa tadhana at sa pag-ibig kung itinalaga na nito ang sarili na mabuhay nang mag-isa at walang pagmamahal?
JASON ERWIN DEAN
"Ilang beses na tayong pinaglayo. Marami na akong naisakripisyo. All I want is to claim my happiness. Now that you are mine, I won't let you go away."
Stallion Riding Club was Jenna Rose's refue. Until rock star Jason Erwin Dean stormed back into her life. Ito ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang batang puso. And he only broke her heart in the end. Mula noon, nagulo na ang tahimik na buhay niya sa riding club. Sa kabila ng galit niya ay pinabibilis pa rin nito ang pagtibok ng puso niya.
Pero pagkakatiwalaan pa ba niya ito? o pikit-mata na lang na hahayaan niya ang kanyang puso na muling mahalin ito?
CRAWFORD ORENA
"I never cared about wishes before. Mula pagkabata, alam ko na makukuha ko ang lahat ng gusto ko. But now, I just want to act like a kid and wish. I wish you'd stay with me forever."
Minsan nang hinayaan ni Nicola na sirain ni Crawford ang depensa niya. Ang akala kasi niya ay iba ito sa mga lalaking nakilala niya na tumitingin sa kalooban ng isang tao at hindi sa panlabas na anyo lang. But he was worse than that. He was the lowest scum on earth and she vowed he couldn'y hurt her again.
Kaya sa isang pagkakataon na sinabihan siya nitong maganda siya, sinampal niya ito sa harap ng napakaraming tao para patunayan na hindi na siya maaapektuhan pa nito.
A major scandal exploded.
At mukhang mahihirapan na siyang itaboy pa ito sa buhay niya.
KESTER MONDRAGON
"All I want is to give you all the love I can give. Gusto kong ako lang ang lalaking nasa tabi mo para alagaan ka."
Yoanna had a sheltered life at the Stallion Riding Club. Kahit maraming lalaking nakapaligid sa kanya, hindi siya nagkainteres sa mga ito. She vowed that she won't allow any man to hurt her again.
Until Kester Mondragon became the riding club's new resident doctor. He was a gorgeous half Argentinian-half saint who broke her heart into pieces years ago. At makalipas ang mahabang panahon ay mababa pa rin ang tingin nito sa kanya.
She wanted to keep him at bay so she won't fall for him again. And there was only one way to do that. She had to seduce him.
STALLION SERIES BATCH 3
PHILIPPE JACOBS
Napasugod si Celestine sa eskwelahan ng pamangkin niya dahil ayon dito, inaapi ito ng kaklase nito. At sa lahi nila, bawal ang nadedehado. Sa kasamaang-palad, nakatapat naman niya ang tiyuhin ng bata na si Philippe Jacobs, ang lalaking palagi na lang laman ng mga pantasya niya.
"Miss,ikaw ba ang umaaway sa pamangkin ko?" walang kangiti-ngiting wika nio sa kanya.
"Ha?" Luminga-linga siya na parang ibang tao ang kinakausap nito a hindi siya. "Ah,ako ba ang kausap mo?" inosenteng tanong niya rito.
"Yes, Miss. Ikaw nga ang kinakausap ko. Sabi nitong pamangkin ko, inaaway mo raw siya."
Paano niya maipagtatanggol ang lahi nila, kung ang "nang-aapi" ay ang pinakaguwapong nakilala niya sa buong buhay niya? Wala siya sa mood na makipag-away kung ito ang kaharap niya.
EIJI ROMERO
Keira was a professional horse traine. She could tame the wildest horse, throw a few punches, and make friends with snakes. Subalit nang dumating si Eiji Romero sa buhay niya, hindi niya alam kung paano iha-handle ito.
Iba siya sa mga babaeng nai-date na nito noon. At sa piling nito, naramdaman niyang babae siya kahit hindi niya kailangang mag-makeup, magdamit n pambabae o magsuot ng stiletto shoes.
Posible kaya na ma-in love sa kanya ang isang katulad ni Eiji?
ROLF GUZMAN
Attorney Jenevie Escudero was satisfied with her life. Isa siya sa pinakabatang abogado sa bansa na nagsisimulang gumawa ng pangalan. Sa tabaho na umikot ang mundo niya. Pero nang malagay sa panganib ang buhay niya, her ex-boyfriends took over her life and shanghaied her to the Stallion Riding Club.
Ibang Rolf na ang kasama niya. Nagmistulang bingi na ito sa utos niya - hindi tulad dati na sa isang tingin pa lang niya ay nanginginig na ito.
Now she wondered why he took her to his haven. Did he want to get even because she dumped him before? Or was he trying to change her heart and make her fall for him again?
BEIRON RAFIQ
Lumaki si Khamya na hindi interesado sa mga lalaki. Until a prince swept her off her feet. Beiron Rafiq was a real prince. Isa itong maimpluwensyang royalty ng kaharian ng Al Ashiq at playboy rin. Nandito ang lahat ng katangian na iniiwasan niya sa isang lalaki.
But Beiron tried to prove to her that he could change for love. Hanggang kailan siya kakapit sa pangako ng pagmamahal nito? Was his love worth everuthing?
REICHEN ALLEJE
"Ang alam ko, wala nang halaga sa akin ang ego ko mula nang makilala kita. Of all the women I know, you are the only one who made me feel like a mortal."
Simple lang ang pangarap ni Saskia sa buhay: ang itaas ang reputasyon ng Artemis Equestrian Center, ang riding school na iniwan sa kanya ng tita Artemis niya. Nang magdagsaan ang mga kababaihan sa riding school nila na gustong makapasok sa Stallion Riding Club, pakiramdam niya ay minamaliit ang riding school niya.
So she had to declaire a match with her mortal enemy, Reichen Alleje. Kailangan niyang matalo ito para maibalik ang karangalan sa riding school niya.
Pero bakit parang dahan-dahang kinukuha nito ang puso niya habang unti-unti siyang nawawala sa sarili sa bawat halik nito?
She must fight him at all cost. She could never lose her heart to a playboy like him.
REID ALLEJE 1
"It was sheer heaven when his lips probed hers. Pakiramdam niya ay nakilala pa niya ang isa pang bahagi ni Reid kapag hinahalikan siya nito..."
Tamara valued her independence so much, She was roaming the animal kingdom saving lives. Walang anumang nagtatali sa kanya. At malabo ang sa isip niya ang magmahal. Convenient iyon para sa katulad niya na hindi naranasang mahalin.
Pero sa minsang pagpunta niya sa Stallion Riding Club, inani niya ang galit ni Reid Alleje. Para makabawi rito ay naging veterinarian siya ng riding club. And once more, she was unwelcome. Wala siyang natanggap kundi hostility mula sa mga miyembro nito na galit na galit sa kanya.
And Reid Alleje's sweet kisses made matters worse.
It was not part of their deal. Dahil wala siyang plano na isuko ang katinuan ng isip niya o ng puso niya.
REID ALLEJE 2
"We are together now. Hindi ko na yata mai-imagine kung nasa ibang panahon o pagkakataon ako na 'di kita kasama at hindi ikaw ang babaeng mahal ko."
"We are together now. Hindi ko na yata mai-imagine kung nasa ibang panahon o pagkakataon ako na 'di kita kasama at hindi ikaw ang babaeng mahal ko."
Tamara had to do everything to get away from Reid Alleje. Hindi na siya tatagal pa na maging asawa nito kahit sa pangalan lang. He was chauvinistic, overbearing and insensitive.
But it didn't stop her from falling for him. Isang bagay lang ang hindi niya kayang baguhin. Hindi kayang magmahal ni Reid.
Pipiliin ba niyang manatili sa piling nito kahit alam niyang hindi niya mararanasan pa ang pagmamahal nito kahit minsan?
STALLION SERIES BATCH 4
johann cristobal
Ipinangako ni Fridah Mae sa sarili na hindi na niya kakausapin o titingnan man lang si Cedric Johannson Cristobal, ang ubod ng sungit na kaibigan ng kuya niya. Hindi niya matanggap na binasted nito ang kagandahan niya at ipinagpalit siya sa isang babaeng hipon.
Pero nang magkita uli sila sa Stallion Riding Club, nagbago bigla ang ihip ng hangin. Parang sinapian na naman siya espiritu ng nakaraan niya at nabaliw na naman siya rito.
Sa pagkakataong iyon, hindi na siya uurong sa laban kahit babaeng hipon, balyena o pating pa ang humarang sa kanya. Sa kanya lang si Johann.
GianPaolo Aragon
Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She was working on her dream project as an interior designer—the reconstruction of Casa Rosa. Pero hindi dream project ang Casa Rosa dahil sa kuwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.
Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club, offered to look after her. Ito raw ang poprotekta sa kanya mula sa masasamang espiritu.
Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siyang inaakit nito? Magpapaakit na lang ba siya o habang-buhay na tatakbo palayo rito?
THYAGO PALACIOS
"Gusto mo pa bang ipagsigawan ko na ikaw ang babaeng mahal ko para marinig ng lahat at maniwala kang mahal kita?"
Liyah's idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal, gumuho ang paghanga niya rito.
Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact, he was a terrible plaboy. Malayung- malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal...
HAYDEN ANTONIO ILANO
"Wala akong pakialam sa opinyon nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ay ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko."
Katulad ng ibang kababaihan, ambisyon din ni Rei ang makapasok sa Stallion Riding Club sa pag-asang naroon ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ngunit ang natagpuan niya roon ay si Hayden Ilano, ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Subalit mayroon itong maraming lihim na hindi alam ng iba. Kasama na roon ang dahilan kung bakit hindi nito maaaring mahalin siya.
"I want us to start anew, Rei. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita kung sino ang totoong ako," pakiusap nito.
Sino nga ba ang totoong Hayden? At bakit kahit anong pilit niyang talikuran ang pagmamahal niya rito ay pilit pa ring lumilingon ang puso niya?
JOZIAH GATCHALIAN
Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya.
Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?
Stallion Series 37: Eizhiro Figueroa
Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.
Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.
“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.
Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.
Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?
ZAIRO MONTEVEDRA
Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs.
Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.
Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only one name for her: trouble.
But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn’t resist him.
Stallion Series 41: Mark Ashley Camello
Sa kanyang muling pagbabalik, ang tanging inasam ni Daeia ay ang tanggapin siya ng Aringan, ang tribung nagtakwil sa kanya nang matagal na panahon. Nang malaman niyang tatanggapin siya, natuwa siya. Pero mabigat naman ang kapalit.
Kailangan niyang pagtiisan ang presensiya roon ni Mark Ashley Camello, ang pinakaguwapo pero pinakaaroganteng lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Ngunit sa kabila niyon ay natutuhan pa rin niyang mahalin ito.
At nang makasama niya ito sa Stallion Riding Club, parang ayaw na niyang bumalik uli sa Aringan. Ang nais na lang niya ay manatili roon. Sa piling nito...
Stallion Series 42: Danrick Tezzoro
Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.
Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya--si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.
Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.
Stallion Series #44: RICHARD DON ROBLES
Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café‚ and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa't isa.
She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.
She shouldn't underestimate him. He was a very dangerous enemy.
STALLION SERIES # 46: MYCO GOSIACO 1
Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?
STALLION SERIES # 46: MYCO GOSIACO 2
Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?
Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?
Stallion Series 48: Reiven Alleje
Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito.
Ngunit kung ang mga mata ay nagkakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!