Post by jluvlenskie13 on Apr 4, 2009 21:22:11 GMT 8
LAST TRIP #16 ASOCIACION DE LAS SOLTERAS 1: Forever Girl
Gusto nang maka-graduate ni Alarice bilang miyembro ng "Asociacion de las Solteras," ang grupong binuo nilang magkakaibigan kung saan ang mga kasapi ay mga babaeng wala pa ring asawa kahit nasa marrying age na.
Sawang-sawa na siya sa pangangantiyaw ng mortal na kaaway niyang si Linux Remus. Nag-offer pa nga ito na papatulan siya para naman daw maranasan niyang magka-boyfriend.
She decided that she must change her personality if she really wanted to have a boyfriend. Lalo at nakilala na niya ang lalaking pinapantasya niya. Subalit isang tao lang ang makakatulong sa kanya kung gusto niyang makuha ito--the master of seduction himself--Linux.
Ngunit iba ang nangyari nang simulan na nila ang "session" nila...
LAST TRIP #18 ASOCIACION DE LAS SOLTERAS 2: Pepper's Chace
Lasing na lasing si Pepper nang nagdaang gabi kaya hindi malinaw sa memorya niya ang nangyari. Basta nagising na lang siya kinaumagahan na katabi sa kama si Chase--at kapwa sila walang mga saplot sa katawan. Nasa ganoon silang estado nang makita sila ng kanyang ama at noon din ay nagpasya itong ipakasal sila.
Nagpakatanggi-tanggi siya. Mortal na kaaway niya si Chase mula pagkabata. Kung magiging mag-asawa sila, wala silang ibang gagawin kundi ang mag-away.
"I'll make you like me," determinadong sabi ng binata. "I'm very good at persuasion. Before you know it, mahal mo na ako."
Would she take the risk?
LAST TRIP #20 ASOCIACION DE LAS SOLTERAS 3: Siren For A Night 1
For Cyrene, her superintelligence was more of a curse than a blessing. She didn't have a normal life. Noong nasa kolehiyo siya, habang ang mga kaklase niyang babae ay abala sa pakikipagligawan, siya naman ay subsob sa pag-aaral. Hindi rin niya naranasang magka-crush o ma-in love. Mas interesado siya sa mga scientist at philosophers kaysa mga guwapong lalaki.
At ngayon, habang ang mga kaibigan niya ay nag-iisip nang mag-asawa, siya naman ay iba ang gusto-- ang magkaanak lang.
Upang magkaroon ng normal na buhay ang kanyang magiging anak, kailangan ay isang di-matalinong lalaki ang maging ama nito. Rhance Montalvo fitted the role. Isa itong modelo, ang trabaho na sa kanyang opinyon ay hindi nangangailangan ng utak kaya sa tingin niya ay estupido ito.
But she was wrong...
LAST TRIP #21 ASOCIACION DE LAS SOLTERAS 4: Siren For A Night 2
A husband was not a part of Cyrene's plan when she decided to get herself pregnant. Ngunit ipinagpipilitan ni Rhance na kailangan niya ito sa pagpapalaki ng kanilang anak. Kaya kahit ayaw niya, napapayag siya nitong magpakasal dito.
Katulad ng isang love story, mayroon silang mga kontrabida--ang matapobreng mama nito at ang ex-girlfriend nito. Isa lang ang gusto ng mga ito--ang layuan niya si Rhance.
Dapat ay madali lang para sa kanya ang gawin iyon ngunit bakit nahihirapan siya? Hindi kaya unti-unti na siyang umiibig sa ama ng kanyang anak?
LAST TRIP #22 ASOCIACION DE LAS SOLTERAS 5: Fire and Ice
"Ice maiden" ang bansag kay Brazile dahil sa pagiging man-hater niya. She had her reasons. Niloko ng papa niya ang kanyang ina, at kamuntik pa siyang mapagsamantalahan ng isang masugid na manliligaw. Idagdag pa pa na inakusahan siyang masamang babae ni Keith Arnaldo, ang lalaking tanging minahal niya. Hanggang sa maging professional photographer siya ay dala pa rin niya ang galit na iyon sa mga kalalakihan.
But then, her and Keith's paths crossed once more. To her dismay, kung noon ay dedma siya rito, ngayon naman ay sulpot nang sulpot ito saan man siya magpunta. She chose to ignore him, no matter how handsome and charming he was. Paninindigan na niya ang kanyang reputasyon.
Ngunit hanggang kailan niya maiiwasan ito kung gayong tila hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya rito?
LAST TRIP #23 ASOCIACION DE LAS SOLTERAS 6: No Me Ames (Don't Love Me)
Isang bridal magazine editor si Meredith pero wala siyang balak na mag-asawa. May "sumpa" sa kanilang pamilya kung saan ang mga babae ay hindi magiging maligaya sa pag-ibig. Mula sa kalolalolahan niya hanggang sa kapatid niya ay hindi lumiligaya sa piling ng isang lalaki.
Kaya kahit secretly in love siya sa kanyang guwapong publisher na si Siege Matthews ay wala siyang magawa kundi titigan na lang ito. At nang sabihin nitong mahal siya nito ay napilitan siyang sabihing, "No me ames."