Post by jluvlenskie13 on Apr 4, 2009 21:20:53 GMT 8
**SKYLANDER batch 1**
Rui of the Dark Night
-Sofia-
"I'd be a star with no night if i don't have you."
Nakilala ni Jemarra si Rui noong nasa Sagada siya para sa isang assignment sa pinagtatrabahuhan niya. Nagka-crush siya rito dahil tipo talaga niya ang mga lalaking may singkit na mga mata. Pero suplado ito. Ni lingunin siya ay tila ayaw nitong gawin.
Iignorahin na rin sana niya ito kung hindi lang sila pinaglapit ng pagkakataon. Ito ang tumulong sa research niya. Akala niya ay magtutuloy-tuloy na iyon. Nakakasilip na siya ng pagkakataon na magkaroon ng magandang future ang pinagsamahan nila.
Ngunit bigla niyang nalaman na ang kasamahan niya sa trabaho ang ex nito sanhi ng kawalang-tiwala nito sa pag-ibig.
Paano na siya? Papayag ba siyang mapunta lang sa wala ang lahat ng effort niya?
Hindi yata!
Rohann, Heart of the Raging Storm 1
-Sofia-
"Masaya na ako na alam mong mahal kita at alam ko rin na gusto mo ako. Nagkakaintindihan na tayo n'on. Until such time you can love me, I'm willing to wait."
Nagtungo si Kimberly sa Baguio upang hanapan ng katarungan ang pagkamatay ng kapatid niya. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon upang makita ang taong dahilan ng maagang pagkawala ng kanyang kuya.
Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Rohann Madrigal, ang kapatid ng taong hinahanap niya. At lalong hindi niya inakalang agad na mahuhulog ang loob niya rito. She was in fact so inlove with Him. Kailanman ay hindi niya maaatim na gamitin ito para lang maghiganti ang kanyang pamilya. Alam niyang may ibang paraan para makakuha siya ng katarungan.
But things got out of hand. Nagbanta ang grupo ng kuya niya. Nabunyag kay Rohann ang dahilan ng pag tungo niya sa Baguio.
At ang pagmamahal na sa tuwina ay nasasalamin niya sa nga mata nito ay napalitan ng ibayong galit...
Rohann, Heart of the Raging Storm 2
-Sofia-
"You are the only memory I can't let go. At ayokong manatiling alaala lang ang lahat. I want to make it real..."
Nang malaman ni Kimberly na namatay si Rohann, kasama na ring namatay ang kanyang puso. At sa loob ng maraming taon, nabuhay siya sa kalungkutan. Batid niya na kailanman ay hindi na siya magiging masaya.
Sa pagpunta niya sa Sagada, ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya ang binata. Akala pa nga niya ay nagmumulto ito. But he was real.
Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Babawi siya sa lahat ng nangyari sa nakaraan. At sisikapin niyang mahalin uli siya nito gaano man kahirap gawin iyon dahil ang kaligayahan niya ang nakataya.
Michael James, Child of the Rain
-Sofia-
"Marami pang darating na ulan sa atin. Wala akong pakialam kung mabuti o masama ang hatid niyon. Ang mahalaga, kasama kita. You are the best thing that the rain brought to me."
Nabigo man si Jenna sa pag-ibig, hindi niya masasabing miserable siya. Nagtungo siya sa Sakada upang makahanap ng katahimikan.
Sagada was heaven. Doon niya natagpuan ang kapayapaan na hindi niya matagpuan sa siyudad. At doon din niya natagpuan si Michael James Lizardo, ang sikat na atleta na bigla na lang nawala sa sirkulasyon.
She instantly felt an attraction towards him. Kunsabagay, noon pa naman talaga niya crush ito. At ang pinakamaganda, kapitbahay niya ito sa Sagada.
Ngunit ang malungkot, tila may nakaraang pag-ibig na hindi nito makalimutan.
Makakaya ba niyang buksan ang puso nito para muling magmahal?
**SKYLANDER batch 2**
# 9 SAPPHIRE, Mystic Moonlight
Sapphire had given up Arthur--the man she loved--to pursue her dream of becoming a painter. Mas pinili niya ang magandang career sa New York kaysa manirahan at magkaroon ng tahimik na buhay sa bulubundukin ng Sagada. After two years, she was at the top of her career. But she was alone and still yearning for Arthur.
Nagdesisyon siyang bumalik sa Sagada,
Nang bumalik siya roon, nakita niya ang lahat ng nawala sa kanya nang hindi niya piliin si Arthur. Tinutupad na nito ang lahat ng pangarap nito kasama ang ibang babae. Malabo nang maibalik pa niya ang pagmamahal nito sa kanya.
She had given up on him. Until one night, while she was drunk, she asked him to kiss her and love her again.
Would he reject her?
# 10 KRISTOFFER CARLO, The Highland Devil
On the night of the eve of May, Evaine asked the mirror to show her the man she would marry. Sa halip na ang lalaking pakakasalan ang kanyang nakita, isang demonyo ang lumabas sa salamin. Isang "demonyong" nagngangalang KC, ang nag-iisang lalaking minahal niya at nag-iwan ng sugat sa kanyang puso. Ito ang dahila kung bakit siya nagpunta sa Sagada - upang kalimutan ang ginawang pananakit nito sa kanyang damdamin.
Ginagap nito ang kamay niyang may hawak na kandila. "I'm not KC. I am the devil," anito.
And the devil kissed her.
Sa gulat niya, naramdaman niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso na tanging ito lang ang nakakagawa. And she realized she was not over him after all . . .
BATCH 2
# 11KLEIN, KISS OF DAWN
Simple lang naman ang gusto ni Shandie sa
isang lalaki: guwapo, matured--at above thirty. Pero pakiramdam niya ay isinumpa siya dahil sa loob lang ng ilang buwan, dalawang lalaki na ang nag-reject sa kanya.
They fell under her category of her ideal man--but she didn't fall under their ideal girl category. Isa lang ang naiisip niyang dahilan--karma. Because once in her life, she made a guy fall in love with her. Pero pinaglaruan lang niya si Klein. Now that he was back in her life, it
looked like he was ready to wreak havoc in her emotions.
Pero hindi siya papayag! She wouldn't fall for him because he was not her ideal guy.
Hindi nga ba?
# 12
"Every summer, I'll wait for you here," pangako ni Lycerge kay Fawna.
It was the first summer they promised to love each other forever. They were so young and in love.
Ngunit nagbago ang lahat ng magpasya si Lycerge na tumakbo sa local election. Nag-iba na ang priority nito ng manalo ito. Malayo iyon sa prinsipyo na ipinaglalaban ni Fawna-ang panatilihing buo at sagrado ang kultura ng Sagada.
She decided to run away from him, live the life of a vagabond. At nangako siya na hinding-hindi siya tatapak sa Sagada, ang bayang minahal niya na nakatakdang "sirain" ng lalaking mahal niya.
But she learned that she couldn't run away from him forever. Kailangan at napilitan siyang bumalik sa Sagada.
Madurugtungan kaya ang pag-iibigan nila sa pagbabalik niyang iyon?
# 13
Cindra's heart flipped inside her chest when she first saw Leonard at an MRT Station. Nabighani siya sa napakagwapong mukha nito. At lalo siyang humanga rito nang ipagtanggol siya nito sa mga lalaking estudyanteng biglang nambastos sa kanya. Ito rin ang nakapulot at nagbalik ng importanteng draft ng play na isinusulat niya.
She had finally found the hero she was looking for.
She was in love.
Pero walang puwang ang pag-ibig sa puso nito dahil puno ng poot iyon--poot para sa pamilya ng ama nito na ayaw kilalanin ito at ang ina nito bilang kabilang sa pamilya Lizardo.
Kakalimutan na ba lang ba niya ito? O patuloy na mamahalin niya ito kahit sa malayuan?
#14 Dashielle, Wolf's Rain
Dashielle was a grand-slam tennis champion. Nalusutan niya ang lahat ng hirap sa buhay at nakamit niya ang kanyang pangarap. But she was a total failure where Wolf Anthony Allen was concerned. He was the half Apache-half Irish hunk she was in love with.
Bigo siya sa pag-ibig dito dahil isang kapatid lang ang tingin nito sa kanya.
“Go ahead and kiss me,” hamon niya rito minsan.
Maybe with that kiss, she might be able to prove a few things: Una, na hindi na siya bata gaya ng tingin nito sa kanya. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa rin ang magiging turing nito sa kanya o hindi na. Pangatlo, that finally he would see her in a different light—he would see her as a woman.
Magtagumpay kaya siya?
Skylander Series 15: Raphael, Sunset Shadow 1
Zygryd was her father’s headache. Wala na raw siyang ginawa kundi ang sumuong sa gulo. But she was simply a girl who wanted to enjoy life.
Then she met Lander, the man her father hired to be her bodyguard. He tamed her, and taught her the best lessons in life. Dahil dito ay natuto siyang magtiwala—at umibig.
Subalit hindi sa kanya ang puso nito. Nabihag iyon—of all women!—ng stepsister niyang hate na hate niya. Ang nakakatawa, siya pa ang naging tagapagtanggol sa pag-iibigan ng mga ito dahil kontra doon ang stepmother niya.
Nagpaka-martyr siya habang nagdurugo ang kanyang puso. Hanggang kailan siya magtitiis sa ngalan ng pag-ibig niya kay Lander?
Skylander Series 16: Raphael, Sunset Shadow[/b][/center]
Lumayo si Zygryd kay Lander upang makasama nito ang babaeng tunay na mahal nito. Ngunit nang magkita uli sila, nagulat siya nang matuklasan niyang hindi na ito ang lalaking minahal niya. Iba na ang pagkatao nito. Ito na si Raphael, ang nawawalang anak ng mayamang Lizardo.
Maging ito man ay nagulat nang makita nito ang anak niyang si Lawrenz, ang naging “bunga” ng kanilang pagmamahalan noon.
She fell in love with him for the second time. At sa pagkakataong iyon ay mas minahal pa niya ito. Kung kailan lumalambot na ang puso nito ay saka naman nakatakdang malaman nito ang lihim na iniingatan niya—ang lihim na nakatakdang sumira uli sa kanila...

Fawna, Summer Breeze

Leonard, The Wild Wind

Skylander Series 16: Raphael, Sunset Shadow