|
Post by sofiajade on Apr 2, 2009 23:30:18 GMT 8
Mahirap magsulat Mahirap mag-isip ng isusulat Mahirap magsulat nang walang tulog Mahirap magsulat habang inaalagaan si Nascia Liah Mahirap magsulat habang inaalagaan si Nascia Liah at may deadline ako ng 1:30 ng hapon at 1:25 na pero di pa tapos ang novel ko at si Nascia Liah ay pinapadede ko pa sa isang kamay. Mahirap kapag may deadline ka at si Nascia Liah ay naglalambing at gusto pa ng kalong (spoiled sa tita) Mahirap mag-isip ng isusulat sa Heartbreakers tapos ay ire-reject lang Mahirap magsulat ng novel tapos ay ire-reject lang
Masarap magsulat ng Stallion dahil mabait ang editor ko Masarap dumalaw sa forum kahit paminsan-minsan mahirap ang buhay pero masaya ako kapag kachika ko kayo at sana madami pa kayong hatakin dito para mabiktima ng ating kulto
And at the end of the day... masarap pa ring magpasalamat dahil buhay pa ako sa kabila ng malulungkot na bahagi ng buhay, may bukas pa
Santino.....
At sana napatawa ko kayo sa mga pinagsasasabi ko dito... iyong di nakatawa... tumawa ka na kahit napipilitan ka kung ayaw mong masaktan.
|
|