Post by sofiajade on Apr 23, 2007 20:06:58 GMT 8
DI pa po ako masyadong makakapag-kwento kasi inaantok pa ako. Post ko na lang po muna ang pix nung PHR Outing pati mga pix namin ni Ryan. Ang masasabi ko lang, may isa akong stalker at isang gustong makipag-date at isang chinitong morenong matangkad na gagala-gala sa tabi ko. Mahinga nga ang pix namin. Hehehhe! Ang masasabi ko lang, walang hiyang Ryan na iyan! Mukha niya! Akala naman niya hurt ako na may gf na siya. Magsama sila. Mas madaming cute sa kanya, no?
Ang Nasugbu. Bow! High tide pagdating namin.
pix ko sa bus
Ang Nasugbu. Bow! High tide pagdating namin.
Ang laki ng binti ko dito!!!
Miss Balsa 2007
Si Bossing sa duyan
Best in Summer Attire daw ang damit ko. May trophy ako na nuknukan nang bigat. Sana pinera na lang
Si Sir Richard, isa sa bossing namin sa PHR at Story Editor ng PBB at PDA. Wafu no?
Pahiran ng icing. Wafu pa rin si Bossing
Hataw sa dance si Bosteng! Sana di ko na lang siya niyayang magswing dahil parang Swing of Death ang sayaw namin. Siya ang guwapong Shinigami at ako ang biktima. Mukha akong manikang basahan na inikot-ikot niya. Sabi ko nga naghihingalo na ako non. At least naalog ang utak ko at nakalimutan ko si Ryan at ang kanyang kataksilan. Joke!
Nauna silang nagbreakfast. Nakipag-pictorial sa akin iyong chinito na cute sa beach. Gulat ko na lang nandoon din si Ryan pagdating sa table ng mga editors. Di ko kinikibo noong una. kAso kinibo ko rin para ipakitang di ako affected sa gf niya. Ang ganda ko kaya, no? Manigas siya!!!
family pics namin
Wala lang. Pics lang naming apat
Nagvideoke kami buong umaga. Wala lang. Gusto ko kumanta kaya kumanta kami. Hehehe! Bonding kuno. Di kami naligo kasi ako ayoko umitim at siya kahihilot pa lang nung nagdaang gabi. Wala, naikwento ko lang.
Me and Sari, my fellow best in summer attire awardee
Sa room namin
Miss Calachuchi 2007! Yahoo!