aya
Junior Member
that's my parents!
Posts: 54
|
Post by aya on Mar 23, 2007 19:41:20 GMT 8
Hi guys!!! post ko lang po ang mga pictures ni miss sofia sa kanyang pamumundok, nagkataon kasi na naghaplig po ang forum! at di po sya makapagpost! (Salamat, Ayaski sa effort ever na mag-post dito. I love you, mare!! Makiki-modify na ako dito para malaman ninyo ang mga kwento sa likod ng pamumundok na ito.) Dumating ako sa Banaue at around 7:30. Tumuloy ako sa People's Inn. Kasi gusto ko ang terrace nila na overlooking sa rice terraces. Saka mura lang din sa kanila kaya masaya. Pumunta ako sa Banaue para i-meet ang friends ko na gagraduate. Dahil maaga pa, naglakad-lakad muna ako. Kung saan-saan ako nakarating. Hanggang makita ko ang hanging bridge na twenty years ko nang pinag-iisipan kung tatawirin ko o hindi. Noong una, feeling ko nakakatakot tawirin. Malululain kasi ako. Kahilo kaya doon. Pero sabi ko, kaya ko to! GItna na ako!!! Yatta!!! I am here na! Nakatawid na ako!!! Then dahil sa pagod sa tulay adventure ko, natulog muna ako. ANg tagal kasi ng bruhang si Aida at Pam. Around 10, sabi nila di n daw sila pupunta sa Banaue. Pumunta na alng daw ako sa Lagawe. Naloka ang beauty ng lola mo! Bumangon ako at sumugod sa Lagawe nang di nagsusuklay ever. Pagdating sa Lagawe, dinala nila ako sa Kiangan. Isa pang town sa Ifugao. Kinaladkad nila ako hanggang sa Yamanutsa Shrine.
|
|
aya
Junior Member
that's my parents!
Posts: 54
|
Post by aya on Mar 23, 2007 19:44:21 GMT 8
heto pa po ang iba..... Well, kung saan-saan lang naman nila ako hinila. At may sumpa pa ata si Aida kasi sabi niya sana umulan daw para di na ako makabalik sa Banaue. Ayun! Umulan nga! Ang tanga-tanga ko pa nga nang pauwi na sa Banaue dhil namali ako ng baba. Ayun! Naglakad ako sa ulan. "Heto ako, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan. walang malalapitan." Worth it naman dahil maganda sa Cordillera Museum of Sculptures. Mabait pa ang may-aring si Tita Fe Ida na butihing ina ng friend kong bulakbol na si Jerome. Super accommodating nila at maraming artifacts na doon lang ninyo nakikita. (Thanks Tita for allowing me to take pix) Kaya sa mga magba-Banaue, punta kayo doon. They have this native hut dating back to 1700 pa. At kapag umuulan, may libreng waterfalls. Ang ganda, di ba? yan lang po sa ngaun!, next time na lang daw po yung iba! haaay sana makapunta rin me dito!
|
|