|
Sorry
Jun 7, 2010 17:02:05 GMT 8
Post by sofiajade on Jun 7, 2010 17:02:05 GMT 8
Gusto ko pong mag-sorry kung may mga taong feeling nila nasungitan ko sila, nasupladahan at kung anu-ano pang nega. Hindi naman po talaga ako masungit. Prangka lang ako. Minsan siguro sumesemplang lang ako ng choice of words ko sa pagnanais kong sumagot at di ko intensiyon na maka-offend. O kaya naman minsan nagbibiro ako pero feeling ng iba seryoso na. Lalo na sa mga nasasagot ko sa sulat… hindi naman po tayo nagkakausap so di ninyo naririnig tono ng boses ko. Kung makakausap lang siguro ninyo ako sa ibang paraan, di naman talaga ako kasungitang tao.
Whatever the reason is, gusto ko pa ring mag-apologize. Hindi ko maipapangako na maiiba ang tono ko minsan kasi sumasagot lang naman ako according sa dapat kong sagutin. Pero kung maulit man ang incident na ito, sana maisip po ninyo wala naman talaga akong intensiyong makasakit o magtaray. Pasensiya na po. Tao lang. Salamat po sa pang-unawa.
|
|