|
Post by sofiajade on Apr 21, 2008 21:51:40 GMT 8
IYong slumbook, di ko muna masagot at busy pa ako kay Chiaki-senpai. Chiaki-senpai, dai suki!!!
Ah... ang Stallion 4 po ay katumbas ng 3 batch ng stallion so pakasawa na kayo at huli na iyan.
|
|
|
Post by ChRiStInE LoVeS HoSu on Apr 22, 2008 8:35:53 GMT 8
okie lang un ate sofia.... busy ba talaga ang mga writers these days? kung kailan bakasyon saka gagawa ng mga novels??!! alam naman nilang walang mapagkukuhaang resources/ income ang mga tao lalo na ang mga estudyanteng kagaya ko para pambili ng pbs...lolz...
geh ingat! to mannap sida! sarang haeyo!
|
|
celine
Junior Member
Posts: 64
|
Post by celine on Apr 22, 2008 19:06:38 GMT 8
IYong slumbook, di ko muna masagot at busy pa ako kay Chiaki-senpai. Chiaki-senpai, dai suki!!! Ah... ang Stallion 4 po ay katumbas ng 3 batch ng stallion so pakasawa na kayo at huli na iyan. thanks sa pag-answer ms.je,pero khit last na yan, su2portahan [pa rin nmin yan! pero mami2ss ko ang stallion! te gemme at te rainaki-thanks din po sa pag-answer!
|
|
|
Post by ChRiStInE LoVeS HoSu on Apr 22, 2008 19:12:43 GMT 8
my gas! malapit na matapos! iiyak ba kami sa mga novels? hehehehehe.... mannap sida in my dreams stallion boys! kimi wo ai suru stallion boys! yobo seyo, kamsa hamnida, sarang hae to all!
|
|
|
Post by sofiajade on Apr 23, 2008 20:26:07 GMT 8
naka! baka kayo maiyak kasi marami pa iyan. dudugo ang bulsa ninyo. I told you.. lumalabas na hanggang batch 6 ang stallion. Pinag-isa na lang namin ng batch kasi ganon din naman.
|
|
|
Post by sofiajade on May 4, 2008 0:04:26 GMT 8
Teka, saan ba ako magsisimula. So far, twenty eight ang lahat ng books sa batch 4.
Per novel po ang bayad sa amin. Walang novel, walang pera.
Pinakapaborito kong story sa Stallion ay... di ko alam. LAhat naman sila mahal ko. Ayoko naman masabihang may favoritism.
Next series ko, saka ko na ia-announce kapag nagkaayos na kami ng editor ko. Parang practice-an ko lang ng series na ito ang Stallion. Maglalakbay ako sa malayong lugar kasama ng next fafanez. Sana nga lang matuloy at di kami magkagulo ng editors. So wish me luck.
tapusin ko pa ang last book ng Stallion. Wala nang mag-aambisyong maging bida dahil last book na po ang ginagawa ko. R-Jan, nasa book ka ng aking pettoness na si Myco! Ayan, ha? Sure nang kasama ka at pumasa na iyon.
|
|
|
Post by sofiajade on Jun 3, 2008 20:17:57 GMT 8
.. .ahm magtatanung lang poh ms. sofia...totoo poh ba ang mga story sa stallion series?or lets just say is it a true to life story at may place poh ba na stallion riding club...sorry poh kung mababaw ang tanung ko...baguhan pa poh ako sa pagbabasa ng mga novel at ang stallion ang pinakauna ko... HI, Raye! Welcome sa Haven! Hmmm... paano ko ba ie-explain. May part ng Stallion Series na nangyari. Tulad nina Gino at Miles, Jenna Rose at JED, iyong kina PJ at Tin, galing kay Toni Gonzaga at Piolo, si Frids at Johann at si Rei at Hayden, inspired din ang mga story nila ng nangyari sa buhay nila. Ang Stallion Riding Club... ang eksaktong lokasyon niya ay walang riding club. Hahaha! Combination siya ng Tagaytay Highlands at Manila Polo Club pero mas sosyal, mas hightech at strictly horse sports at puro fafable na bachelors. MAy susunod ba akong series? Yes! Solo ko. Pero abangan na lang ninyo kasi di pa tapos.
|
|
|
Post by sofiajade on Jun 3, 2008 20:23:54 GMT 8
ahm, may tanong lang po ako for ms. sofia, bakit po rayken ang pronounciation ng name ni Reichen? nacu-curious lang po kasi ako.. la lang..hehe =) Kasi German name iyon.
|
|
|
Post by sofiajade on Jun 20, 2008 14:40:00 GMT 8
Di ako fan ni Bob Ong. Fan ako ni Rizal. Okay naman si Bob Ong. Siguro lang di ko pa nababasa iyong magaganda niyang libro so di pa ako adik sa kanya. Mas nakaka-relate kasi ako kay Rizal kaysa sa kanya.
Next series: Di ko pa alam pero mas malamang gawin ko na ang Heartbreakers. Kulang ako ng apat pang books doon so pinaghahandaan ko na ang gagawin ko. Hopefully magustuhan ninyo iyon. However, it is entirely different from Stallion kasi lalabas tayo sa ibang mundo.
Guwapo si Eizhiro! IYon lang masasabi ko. At hindi siya Hapon.
|
|
|
Post by sofiajade on Jun 23, 2008 16:33:18 GMT 8
Grabe naman! Ihanay daw ba kay Rizal? Girls, di lang Noli Me Tangere at El Fili ang isinulat ni Rizal, mind you. Madami siyang nagawa na nabasa ko. Sample Sulat sa mga Kakabaihan ng Malolos. Kahit palipasin pa ang sulat na ito ng isang milenyo, malinaw pa rin ang message. Updated. Ganoon katalino si Rizal. Nakikita niya ang hinaharap. Naglibot siya sa iba't ibang library sa buong mundo para mag-aral. So kahit Stallion at Bob Ong pa ihanay kay Rizal, nasa top pa rin siya. Kahit saang subject mo dalhin si Rizal, alam niya. Que religion, politics, history at iba pa. Sa mga isinulat niya, wala kang itatapong salita. Lahat may halaga. At kung mabubuhay si Rizal sa panahong ito, kahit pagsama-samahin ninyo si Yuu Shirota, Wu Zhun, Mike He, Hideaki Takizawa, Fafa Piolo at isama pa ninyo si Fafa Reiven, kay Rizal ako magpapakasal! Sana maging kasing galing ako ni Rizal. Ahummm!
Ei, Yshel! Kasama pala si Rizal sa pag-aaralan natin. Huhuhu! Sana makita ko iyong may makapal na collection ng panitikan at pulitika na libro ni Rizal. Kumpleto iyon. Ang hirap kasing maghanap sa internet ng mga sanaysay niya.
|
|
|
Post by sofiajade on Jul 10, 2008 19:24:54 GMT 8
Ako ba si Josephine Bracken? Hahaha! HIndi naman siguro. Di kasi ako naniniwala sa reincarnation. ANg alam ko, may mga espesyal na nilalang lang na pwedeng ma-reincarnate kapag na-accomplish na nila ang role nila sa mundo. Nabasa ko sa Pagbabalik ni Hesus sa Pilipinas ni Rizal. Napakahenyo talaga ng pagkakagawa nito. Huhuhu!!! Nasaan na ba ang libro ni Rizal na iyon?
Alex, mahirap talagang mag-isip ng story. Pareho lang iyon na mahirap lagyan ng scene. Kasi ano ang silbi ng story mo kung pagdating sa detalye, wala kang maisip? It is the details that will complete the story. Kahit naman sino nauubusan ng idea. Kaya nga research, research and travel. MInsan nga gusto ko nang hampasin ibang tao ng research kong makapal kapag inis ako sa mundo. Minsan 100 pages na research, isang sentence lang ang nagagamit ko sa novel ko. And gusto ko talaga magbiyahe like ng ginawa ko sa Skylander para realistic. Sabi sa akin ng ibang writer, bakit ko pa daw ginagawa iyon? Gastos lang daw. I love my work. I love my readers. Gusto ko ihatid sa kanila kung ano ang na-experience ko at ng ibang taong nakasalamuha ko. Sa palagay ko kasi, mas nabubuhay sa akin ang pagiging journalist ko kaysa writer lang basta.
|
|
~eggybum~
Junior Member
i love this couple! :)
Posts: 211
|
Post by ~eggybum~ on Jul 13, 2008 16:16:45 GMT 8
teka ate je..
lab you rin! heheh..
moral support po kami all the way!!!
as in all the way papuntang moon.!!
*teka.. anu ulit??*
ate je.. nakapunta ka na po ba sa ibang bansa tulad po ng Spain at iba pa?
feel ko kasi nandun tlga kayu habang sinusulat niyo ung mga nobela niyo..
like kay reichen na may scene sa Vienna.. ung kay Thyago pa..
ang dami eh! go ate je! wuuushh!
|
|
roxz
Junior Member
..my heart is your heart..ever and always..
Posts: 372
|
Post by roxz on Jul 18, 2008 23:49:18 GMT 8
i love you din ate je!...whoa...hehe
keep it up ate.. wer juz alwayz hir to support and love you...
tanong ko lang ate je..this year poh ba lalabas ang heartbreakers?.. excited lang poh..jejeje..
lotz of ingatz..
Godbless..=^_^=
|
|
|
Post by jluvlenskie13 on Jul 24, 2008 22:12:24 GMT 8
kayo po ba nagsulat ng conquering the dragon prince?? naiwala ko po kasi iyon kaya itatanong ko lang kung sinong awtor.. tnx! yup. sya nga ang me akda nun.
|
|
|
Post by jluvlenskie13 on Jul 24, 2008 22:12:36 GMT 8
tori, eggy buti yan ang naitanong ko... kasi angmuntikan ko ng maitype ay "mayaman po ba kau?" buti naalog ung utak ko at naitype ko ang tamang tanong. okay ate je, dahil nalaman ko ng hindi si reid ang mamamatay... bakit po assassin ang napili niong work para sa pakner ni reiven? saka bakit si jigger ang napiling patayin? bukod po sa pagiging writer ano pa po ba ms. sofia ang gusto po ninyong gawin??
elow poh.. congratz..r jan..hehe.. aq, my tanong din..kailan kyah kau mkapunta dito xa iloilo,ate?..ahehe... paano niyo po nalaman na gusto niyong maging isang writer? *serious mode haha...*
|
|